01 / 06
MEDIA & INFORMATION · GROUP 1

12 GAS-JOSE

DSMN 91.5 · malinta headlines

members · group 1

Rheizen

Rheizen

broadcast team

Stephanie

Stephanie

weather reporter

Annaliza

Annaliza

broadcast team

Rihanna

Rihanna

showbiz reporter

Angel

Angel

sports reporter

Mesha

Mesha

anchor 2

Jana

Jana

broadcast team

Jonathan

Jonathan

broadcast team

JB

JB

anchor 1

radio script · DSMN 91.5

DSMN 91.5 · MALINTA HEADLINES

group 1 broadcast

opening
SFX: NEWS INTRO – FULL THEN BED LOW
ANCHOR 1:
DSMN 91.5…
ANCHOR 1 AND 2:
MALINTA HEADLINES!
ANCHOR 1 (JB Fabian):
Magandang araw, Pilipinas! Ako nga pala si JB Fabian
ANCHOR 2 (Mesha Shekaina):
At ako naman si Mesha Shekaina. Sama-sama na naman tayo sa isang araw ng makabuluhang balitaan.
ulo ng balita
ANCHOR 1 AND 2:
Narito ang mga ulo ng balita ngayong araw: (short beat)
DOJ at DILG, hindi pa nakatatanggap ng arrest warrant mula sa ICC laban kay dating Senador “Bato” Dela Rosa.
Largest-ever Philippine contingent, naghahanda na para sa 2025 SEA Games.
Signal No. 1, nakataas sa 27 lugar dahil sa Bagyong Wilma.
Ahtisa Manalo, nagbigay pahayag matapos maging 3rd Runner-Up sa Miss Universe 2025.
SFX: WHOOSH
national news
SFX: Intro for National News
ANCHOR 1:
Para sa ating pambansang balita, alamin natin ang pinakahuling pahayag ng DOJ at DILG kaugnay ng isyu sa International Criminal Court. Narito ang ulat ni Anna Alovera.
NEWS REPORTER (Anna Alovera):
Salamat sa’yo JB. Tiniyak ng Department of Justice at Department of the Interior and Local Government na hanggang ngayon ay hindi pa sila nakatatanggap ng anumang pormal na dokumento o arrest warrant mula sa International Criminal Court laban kay dating Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. (beat) Ayon sa DOJ, mahalagang may opisyal na komunikasyon bago sila makagawa ng anumang hakbang. Samantala, sinabi ng DILG na handa silang sundin ang due process sakaling may pormal na abiso mula sa ICC. (beat) Mainit pa ring napag-uusapan ang saklaw at limitasyon ng kapangyarihan ng ICC, lalo na matapos tuluyang kumalas dito ang Pilipinas noong 2019. Balik sa inyo Anchors.
SFX: ending…. fade out
sports
SFX: sports music
ANCHOR 1:
Sa balitang pampalakasan, tutok ang bansa sa paghahanda ng Team Philippines para sa 2025 SEA Games. Alamin natin ang detalye mula kay Angel Ygano.
SPORTS REPORTER (Angel Ygano):
Salamat sa’yo Mesha. Largest-ever Philippine contingent ang sasabak sa 2025 Southeast Asian Games, at talaga namang puspusan ang kanilang paghahanda. (beat) Nakatuon ang bansa sa pag-angat sa athletics, boxing, at weightlifting—mga sports na kilala nang pinagkukunan ng medalya. Ibinahagi rin ng sports officials na may dagdag na training support at conditioning programs ngayong taon. (beat) Tiwala ang Team Philippines na magiging mas matagumpay ang kanilang kampanya. Mula dito sa DSMN Malinta Headlines, ako si Angel Ygano, balik sa inyo Anchors.
SFX: ending…. fade out
infomercial · AI safety
ANCHOR 2:
At bago tayo mag patuloy sa lagay ng panahon, narito ang maikling commercial handog ng DSMN Malinta Headlines!
SFX: Upbeat hip-hop beat (low)
INFOMERCIALIST 1:
Hoy! Hoy! Hoy! Scroll ka lang nang scroll!
INFOMERCIALIST 2:
Uy! Fake news ba ’yan? Check mo muna bago i-share!
INFOMERCIALIST 1:
Screenshot pa more? Pero mali naman!
INFOMERCIALIST 2:
Teka lang! Baka edited lang ’yan!
SFX: “POP” notification
INFOMERCIALIST 1:
Clickbait alert! Huwag agad tumalon sa conclusion.
INFOMERCIALIST 2:
I-verify ang source—hindi lahat ng nasa feed ay katotohanan!
INFOMERCIALIST 1:
Tama! Critical thinking, gamitin! Hindi puro react agad.
INFOMERCIALIST 2:
Hindi lahat ng trending ay totoo. Tandaan: THINK BEFORE YOU CLICK!
INFOMERCIALIST 1:
AI is helpful, basta ginagamit nang responsable.
INFOMERCIALIST 2:
Protektahan ang sarili—iwas-scam, iwas-fake news!
SABAY:
Online safety, simulan mo mismo!
SFX: ending beat – fade out
time check
SFX: Time Check music
ANCHOR 1:
Oras natin ngayon… (ilagay ang oras). DSMN 91.5—tamang impormasyon, tamang panahon.
weather forecast
ANCHOR 2:
Narito naman ang lagay ng panahon kasama si Stephanie Oguis.
SFX: soft weather music
WEATHER REPORTER (Stephanie Oguis):
Signal No. 1 ang nakataas sa 27 lugar dahil sa Bagyong Wilma na patuloy na lumalapit sa Silangang Visayas. Inaasahan ang malakas na ulan, pagbaha, at posibleng pag-ihip ng malalakas na hangin lalo na sa mga baybaying lugar. (beat) Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto at mag-monitor ng anunsyo ng PAGASA. Ako si Stephanie Oguis, DSMN 91.5 Malinta Headlines.
SFX: ending…. fade out
showbiz
SFX: showbiz music
ANCHOR 2:
Narito naman si Rihanna Inocencio, para sa ating showbiz news.
SHOWBIZ REPORTER (Rihanna Inocencio):
Masaya at kuntento si Ahtisa Manalo matapos niyang makuha ang 3rd Runner-Up spot sa Miss Universe 2025. Ipinahayag niya na proud siya sa pag-representa sa bansa at nagpasalamat sa lahat ng sumuporta. (beat) Sinabi rin ni Ahtisa na masaya siya sa journey at mas motivated siyang magpatuloy sa mga susunod niyang plano. Ako si Rihanna Inocencio, DSMN 91.5 Malinta Headlines.
SFX: ending…. fade out
closing
SFX: outro music
ANCHOR 1:
At iyan ang mga balitang dapat ninyong malaman ngayong araw.
ANCHOR 1:
Mula rito sa DSMN 91.5 Malinta Headlines, ako ang inyong Anchor uno, JB Fabian…
ANCHOR 2:
…at ako naman ang inyong Anchor dos, Mesha Shekaina
SABAY:
Magandang araw, Pilipinas!
SFX: Ending theme – up then fade out
JB Fabian Mesha Shekaina Anna Alovera Angel Ygano Stephanie Oguis Rihanna Inocencio Rheizen Annaliza Jana Jonathan

tv broadcasting

Group 1 TV broadcast (12 GAS JOSE) MP4

spoof ad

Group 1 - spoof ad MP4

vlogging

GAS-JOSE vlog (group 1) MP4